Ang Konsepto ng Pag-ibig at Matching Type
From my Multiply site dated back, Feb 26, ‘08 10:39 AM.
Natatandaan niyo pa ba nung tayo ay nasa elementary pa lamang, nung ang mga pagsusulit ay naka font size 14 pa sa recycled na grayish na papel. Lagi na lang may matching type sa pagsusulit. Sa dinami-dami ng mga pagsusulit natin sa ating buhay mula bata hanggang sa maging kolehiyo, hindi nawala ang matching type. Isa lang naman ang direction, kailangan itugma sa pinaka-angkop na termino o tanong ang isa pang bungkos ng mga salita o mga kasagutan. Nung tayo ay bata pa linalagyan pa natin ng linya ang mga konsepto na nasa column A patungo ng kasagutan sa column B. Di naglao’t naging mga letra na lamang ang basehan ng ating sagot sa matching type. Pambata lang ba ang mga linya?
Sa pag-ibig at paghahanap ng kapiling, naisip ko na maaaring isang malaking matching type test ito. Isa lang ang instruction, itugma ang sarili sa pinaka-angkop na partner. Kadalasan, linalagyan nating ng ekis ang mga na-“match” na kasi bihira ang pakakataon na ang sagot ay pwedeng ulitin. Parang sa pag-iibigan, bihira pero nangyayari ang pag-iibigan ng 3 tao ng sabay. Minsan alam ng 3(polyamorous), minsan hindi(polygamous).
Minsan mali ang unang sagot. Paminsan, nakaka-limang palit ka na. Minsan, yung una mong sagot na binura mo pala ang tamang sagot. Minsan, perfect. Sana laging perfect.
Nakakatuwa pa kasi paminsan kung bumura tayo ng sagot eh linya lang. Malinis. Kita pa din ang unang sagot pero naekis na. Ito ang malinis na mga break-up. Paminsan naman eh madumi, parang mabubutas na ang papel dahil kalahati ng tinta ng bolpen ay ginamit sa pagbura ng sagot. Ito yung mga maduduming mga break-up. Kadiri tignan. Bibigyan ka pa ng minus ni teacher kasi ang dumi.
Sa kasalukuyan, eh may sagot na ako. Na ekisan na ang pangalan ko, alam kong tama ang tugma. Ayan. Mas madali na kayong pumili ng makakamatch kasi 4,538,068,296 na lang ang walang ekis, ang mga single.
Update: Tila hindi ka talaga makakasiguro kung tama na ang sagot mo. Kasi sa buhay, hindi ganun kadaling pumili ng sagot. Maaari pa ring magpalit ang sagot kahit na matanda ka na. Naekisan ko ang aking sagot. Malinis na ekis naman parang ganito sagot. Ngayon, mukhang mas sigurado naman akong mas tama ang aking ipinalit. Sana ito na nga yun.

Posted 2 years ago